Miyerkules, Abril 20, 2011

MAMA


Mama and gian:)
Kahit saan ako pumunta, lahat sila nagtatanong…”kamusta na mama mo?” at lagi nila sinasabi sa akin na “alagaan mo mama mo ah…kayo na lang dalawa ngayon”. At lagi ko namang sagot ay “Medyo ok na po” at “Opo aalagaan ko po”.

Pero kamusta na nga ba talaga si mama pagkatapos ng nangyari kay papa?

Mahirap sagutin mga Tol…dahil hindi ko pa alam ang mga susunod na mangyayari. Ang alam ko lang nung mga panahong nasa hospital at nasa Arlington kami. Sila lang ni papa ang nasa isip ko. Iniisip ko dapat may kasama at kausap lagi si mama. Kung kumakain ba siya sa tamang oras at nakainom na ba siya ng gamot niya.

Naranasan ko na kasi na mawalan ng isang magulang, ayoko na ulit mangyari yun. Iniisip ko baka maglupasay si mama, matulala, hindi kumain o hindi mo makausap. Pero MALI pala ako. Nakaya lahat ni mama na kausapin at ikwento ng paulit ulit kung anong nangyari kay papa sa bawat bisitang dumarating sa Arlington.

Hindi madaling ikwento ng paulit ulit ang mga nangyari dahil masakit ito para sa amin. Pero pinilit ni mama gawin yun para sa mga nakikiramay. 

Isa pang napansin ko kay mama, na kapag sobra siyang naiiyak..pumapadyak ang mga paa niya. Minsan ay ginaya ko kung paano siya maiyak at tawang tawa naman siya. Sabi niya sakin “Nawala na nga papa mo, napansin mo pa kung paano ako umiyak!”. Well I just did that para matawa siya.

Nung buhay pa si papa, lagi naming inaasar si mama kasi pikon. Pero parang siya ang naging baby namin ni papa. Kung ano ang gusto niya gawin, kung san niya gusto pumunta, sinusunod naman namin ni papa. Sabi nga ni papa “Yan si ruby!”. Si Mama kasi sobrang alerto kumbaga mabilis kumilos at gagawa talaga siya ng paraan kapag may gusto siyang maaccomplish.

Valentines day!
Nung valentines day nga naisip ko na dalhin siya sa concert ni Piolo Pascual (her ultimate crush). Kasi alam kong magiging bitter siya sa araw na yun. Hindi naman sa ayaw kong maalala ni Mama si Papa pero gusto ko lang na kahit papano mapasaya at mapangiti ko siya. Nagtagumpay ako, napaligaya ko siya sa mga sandaling un. Pero in the end…panandalian lang ang lahat. Naiyak pa rin kami kasi namimiss namin si papa. Every Valentines day kasi may bulaklak si mama galing kay Papa. Pero nakita ko naman that she is very thankful dahil I did it for her. Kuntento na ko dun.




Si mama na yata ang pinakamabait na asawa at ina na nakita ko. Kung ibang nanay yan baka sinagawan na si papa sa sobrang pag inom niya noon. At napalo na siguro ako noon sa sobrang kakulitan at katarayan ko kung iba ang nanay ko.

Siya yung ina na alam niya kung kailan siya mali at inaamin niya yun. Marunong siyang makinig at magpayo. Yung iba hindi maintindihan kung paano kami mag usap ni mama. Iba kasi ang way kung paano kami mag usap, parang magkapatid lang.

Minsan nga sobrang strict ko sa kanya kasi candidate na siya sa diabetes pero iniisip ko na lang na kahit masakit sakin na bawalan siya sa mga matatamis na pagkain…iniisip ko na para sa kanya yun. Gusto ko lagi siyang may check up at kinukuha ang sugar niya.

Recently nanganak yung pinsan ko, so dinalaw namin sila sa hospital. Nung unang pagpasok ko sa kwarto sa hospital…napaatras ako. Kasi si Papa yung naaalala kong nakahiga sa kama. Lumabas ako agad ng kwarto at umiyak. Sinundan ako ni Mama sa labas at sinabi niya na “Bakit ka malungkot? Alam mo ba na yung anak ni Ate Tues mo yung kapalit ng Papa mo? Kaya huwag ka na umiyak!” Kaya dun ko narealize na mas matapang pala si mama sakin. Na yung katapangan ko ay tapang tapangan lang. Kumbaga sa DVD…pirated!

Sa Dencios after namin bisitahin si papa

Sa ngayon…ayaw ko siyang naiiwan sa kwarto mag isa. Gusto ko pag may oras ako lumalabas kami at sabay sabay naming aaliwin ang mga sarili namin. Mahirap talaga pag wala si papa pero kinakaya namin. Life must go on sabi nga nila. Kay mama ko na lang ipapakita at ipaparamdam lahat ng hindi ko naparamdam kay Papa. Lalo ko siyang mamahalin at aalagaan. Si Mama na ang buhay ko ngayon at lahat ng pagsisikap ko ngayon ay para sa kanya. I love you Mama:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento