Miyerkules, Abril 20, 2011

MAMA


Mama and gian:)
Kahit saan ako pumunta, lahat sila nagtatanong…”kamusta na mama mo?” at lagi nila sinasabi sa akin na “alagaan mo mama mo ah…kayo na lang dalawa ngayon”. At lagi ko namang sagot ay “Medyo ok na po” at “Opo aalagaan ko po”.

Pero kamusta na nga ba talaga si mama pagkatapos ng nangyari kay papa?

Mahirap sagutin mga Tol…dahil hindi ko pa alam ang mga susunod na mangyayari. Ang alam ko lang nung mga panahong nasa hospital at nasa Arlington kami. Sila lang ni papa ang nasa isip ko. Iniisip ko dapat may kasama at kausap lagi si mama. Kung kumakain ba siya sa tamang oras at nakainom na ba siya ng gamot niya.

Naranasan ko na kasi na mawalan ng isang magulang, ayoko na ulit mangyari yun. Iniisip ko baka maglupasay si mama, matulala, hindi kumain o hindi mo makausap. Pero MALI pala ako. Nakaya lahat ni mama na kausapin at ikwento ng paulit ulit kung anong nangyari kay papa sa bawat bisitang dumarating sa Arlington.

Hindi madaling ikwento ng paulit ulit ang mga nangyari dahil masakit ito para sa amin. Pero pinilit ni mama gawin yun para sa mga nakikiramay. 

Isa pang napansin ko kay mama, na kapag sobra siyang naiiyak..pumapadyak ang mga paa niya. Minsan ay ginaya ko kung paano siya maiyak at tawang tawa naman siya. Sabi niya sakin “Nawala na nga papa mo, napansin mo pa kung paano ako umiyak!”. Well I just did that para matawa siya.

Nung buhay pa si papa, lagi naming inaasar si mama kasi pikon. Pero parang siya ang naging baby namin ni papa. Kung ano ang gusto niya gawin, kung san niya gusto pumunta, sinusunod naman namin ni papa. Sabi nga ni papa “Yan si ruby!”. Si Mama kasi sobrang alerto kumbaga mabilis kumilos at gagawa talaga siya ng paraan kapag may gusto siyang maaccomplish.

Valentines day!
Nung valentines day nga naisip ko na dalhin siya sa concert ni Piolo Pascual (her ultimate crush). Kasi alam kong magiging bitter siya sa araw na yun. Hindi naman sa ayaw kong maalala ni Mama si Papa pero gusto ko lang na kahit papano mapasaya at mapangiti ko siya. Nagtagumpay ako, napaligaya ko siya sa mga sandaling un. Pero in the end…panandalian lang ang lahat. Naiyak pa rin kami kasi namimiss namin si papa. Every Valentines day kasi may bulaklak si mama galing kay Papa. Pero nakita ko naman that she is very thankful dahil I did it for her. Kuntento na ko dun.




Si mama na yata ang pinakamabait na asawa at ina na nakita ko. Kung ibang nanay yan baka sinagawan na si papa sa sobrang pag inom niya noon. At napalo na siguro ako noon sa sobrang kakulitan at katarayan ko kung iba ang nanay ko.

Siya yung ina na alam niya kung kailan siya mali at inaamin niya yun. Marunong siyang makinig at magpayo. Yung iba hindi maintindihan kung paano kami mag usap ni mama. Iba kasi ang way kung paano kami mag usap, parang magkapatid lang.

Minsan nga sobrang strict ko sa kanya kasi candidate na siya sa diabetes pero iniisip ko na lang na kahit masakit sakin na bawalan siya sa mga matatamis na pagkain…iniisip ko na para sa kanya yun. Gusto ko lagi siyang may check up at kinukuha ang sugar niya.

Recently nanganak yung pinsan ko, so dinalaw namin sila sa hospital. Nung unang pagpasok ko sa kwarto sa hospital…napaatras ako. Kasi si Papa yung naaalala kong nakahiga sa kama. Lumabas ako agad ng kwarto at umiyak. Sinundan ako ni Mama sa labas at sinabi niya na “Bakit ka malungkot? Alam mo ba na yung anak ni Ate Tues mo yung kapalit ng Papa mo? Kaya huwag ka na umiyak!” Kaya dun ko narealize na mas matapang pala si mama sakin. Na yung katapangan ko ay tapang tapangan lang. Kumbaga sa DVD…pirated!

Sa Dencios after namin bisitahin si papa

Sa ngayon…ayaw ko siyang naiiwan sa kwarto mag isa. Gusto ko pag may oras ako lumalabas kami at sabay sabay naming aaliwin ang mga sarili namin. Mahirap talaga pag wala si papa pero kinakaya namin. Life must go on sabi nga nila. Kay mama ko na lang ipapakita at ipaparamdam lahat ng hindi ko naparamdam kay Papa. Lalo ko siyang mamahalin at aalagaan. Si Mama na ang buhay ko ngayon at lahat ng pagsisikap ko ngayon ay para sa kanya. I love you Mama:)

Lunes, Abril 18, 2011

BAKIT NGA BA?

 

 1. TIMES UP
 
Bakit nga ba pag napapaginipan ko si papa parang lagi siyang may naririnig na times up button at pag narinig na niya yun ay bigla siyang magmamadali umalis? Ilang minuto lang ba pwede bumisita? wala pa yatang isang minuto times up na agad...Lord habaan niyo naman pls :)







2. PARAMORE
Bakit nga ba hindi pa bumabalik ang Paramore dito sa Pilipinas? Nung unang punta nila dito kasi nakanood na ko sa MOA pero sa screen lang..ang layo naman namin kasi. Pero promise pag bumalik sila dito...nasa harapan na ko...pinag ipunan ko na sila:) Gusto ko marinig na kantahin nila ng live yung kantang "Playing God"






3. PELIKULANG PILIPINO
Bakit nga ba ang ending lagi ng mga romantic filipino movies ay ang paghahabulan sa airport? Kunwari narealize na ng babae na mahal pala talaga niya yung lalake tapos malalaman na lang niya na nasa airport na at pupunta ng ibang bansa. Magmamadali naman ang babae at lalagyan ng ibat ibang twists ang habulan...eto yung mga panahon na masisiraan ng sasakyan yung babae papuntang airport, nasira ang sapatos, sobrang traffic at iba pa. Guys!!! Wala na bang ibang ending?







4. KOREAN
Bakit nga ba karamihan sa mga Pilipino mahilig sa mga kantang koreano pero hindi naman nila kalimitan naiintindihan ang lyrics? Kahit ako nagustuhan ko din ang K-POP kahit wala akong kamalay malay kung ano yung mga pinagsasabi nila.  Dinadaan lang nila sa tono, looks at presentation. Pero isa lang ang alam ko...kung minsan kong ginusto ang K-POP mas gusto ko ang pagkaing Koreano! hehehehe!




5. TELEBISYON
Bakit nga ba ilang beses ng inuulit ipalabas ang Captain Barbell? Darna? Palabas na may sirena at mga taong lobo? At ilan pang cute na mga bata ang gagawing bida upang maaliw ang mga manonood? More ideas pls...


6. ITO ANG MATINDING TANONG
BAKIT NGA BA AKO GANITO? Bakit ganito ako mag isip? Bakit ganito ang pananaw ko? Bakit ganito ang gusto ko? 
Alam niyo hindi ko rin alam minsan pero ito ang  ilang basehan kung bakit:
1. Im an only child
2. Galing ako sa exclusive school
3. Nasanay akong kausap ang mga matatanda
4. Nawalan na ako ng ama




So sa mga hindi nakakaintindi sakin at minsan namimisinterpret ako,,, cant you just accept me kung sino ako...Hindi ibig sabihin na kapag iba ang pananaw mo eh masamang tao ka na. Katulad ng pagyoyosi...oo masama ito sa kalusugan pero hindi ibig sabihin na masama na ang mga taong nagyoyosi! Hindi ko to hiningi at lalong hindi ko to sinasadya...ito na talaga ako:)

Huwebes, Abril 7, 2011

MALDITA MODE PART 1

A. KURSO
Nung papasok pa lang ako ng college may nakapagsabi sakin sa harapan ng tatay ko..."Bakit hindi na lang architecture kinuha mo? Bakit Fine arts pa? Ang tanging nasagot ko lang nun ay isang plastic na ngiti :)

Oo inaamin ko medyo nahurt ako dito kasi parang minamaliit niya yung course na kinuha ko. Parang ang baba ng tingin niya sa gusto kong gawin sa buhay ko.

Ayoko ng sumagot dahil:
1. mas matanda siya sakin
2. kilala ko ang sarili ko, pag nag umpisa na kong sumagot....tuloy tuloy na yun!
3. dahil alam kong hindi rin niya ako maiintindihan

kaya huwag na lang..sayang ang oras..TIME IS GOLD! hehehehe!

Nung kumuha ako ng masters degree kinausap niya ako ulit..ang sabi naman niya.."Tutal mahilig ka rin naman mag aral, bakit hindi ka na lang kumuha ng Law?"

Grrrrr...eh kung Law sana gusto ko eh di sana yun yung kinuha ko, kailangan pa ba tanungin? Bakit may mga taong ganito, na hindi na lang tingnan ang sariling buhay nila...sarili nilang anak? Ewan ko ba!
______________________________________________________________________________

B. APO
Nung nasa arlington kami....may nagsabi naman sakin "Alam mo kulang ang naging buhay ng papa mo, kasi hindi mo siya nabigyan ng apo!"

Nasaktan ako kasi...ako pa ba ang magiging dahilan sa hindi pagkakumpleto ng buhay ni papa? Apo lang ba ang magkukumpleto nito? Masakit....sobrang sakit!

Nasabi ko na lang sa sarili ko:
Anong magagawa ko? Kaysa naman bigyan ko siya ng apo ng wala sa oras. Yung bigla na lang akong nabuntis na walang asawa o hindi kasal. Madaming prinsipyo ang tatay ko at ayokong sirain yun. Alam kong mas gugustuhin niyang wala siyang apo kaysa nagkaron siya ng apo na wala sa lugar. (sorry sa mga matatamaan, walang personalan..hehehe!)

Naramdaman ko nga noon kay papa na sabik siya sa mga apo ng mga kapatid niya pero hindi niya pinaparamdam sakin na gusto na niya magka-apo sakin at nararamdaman ko rin na ayaw pa niya ako mag asawa....na kailangan pa niya ako, na wala akong dapat na ibang responsibilidad kung hindi sila ni mama.

Binibiro nga ako ng mga pinsan ko (sa side ni papa) na ako daw dapat ang unang ikasal sa simbahan at huwag ko silang gayahin. Natatawa na lang ako dahil pinagkakaisahan nila ako..hahahaha! Pero hindi naman ako naprepressure. Iba rin kasi ang perspektibo at gusto ko:)

EHEM......EHEM.....hahahahahaha!