Martes, Mayo 31, 2011

partner:)


“Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko para ibigay ka ni Lord sakin.”

Sa dinami dami ng tao sa mundo…pinagtagpo kami…dahil naniniwala ako na para talaga kami sa isa’t isa. Siya yung taong hahawak sa kamay ko habang buhay. Siya yung taong makakasama ko sa hirap at ginhawa.

Sa lahat lahat ng napagdaanan ko, hindi ko naramdaman na iniwan niya ko kahit isang minuto. Kahit na alam kong hirap din siya sa sitwasyon niya noon. Sa mga panahong kailangan ko siya, kahit wala pa kong sinasabi sa kanya….andyan na siya agad sa tabi ko. Siya yung tao na kahit nag give up na ko sa isang bagay, siya pa rin yung naniniwala na kaya ko pa. Kahit sabog ang buhok ko at feeling ko ang panget ko, nakangiti pa rin niya sasabihin sakin na maganda ako. Kahit na parang luya ang mga paa ko, siya lang yung taong nagsabing “Ang cute nga ng paa mo eh”. Kahit na sobrang sakitin ko, matiyaga na pa rin ako inaalagaan.

Kaya sobrang thankful ako na siya ang kasama ko. Kahit sino hindi makakapantay sa lahat ng sakripisyo niya para sakin. Aaminin ko takot ako mawala siya sakin.


* Salamat sa lahat ng ginagawa mo for me, hindi mo alam kung gaano ko naaappreciate lahat. You’re such a blessing to me. Salamat dahil pinapasaya mo ko at pinagtiya2gaan! Mahal kita at hindi na magbabago yun. mwah!

Martes, Mayo 3, 2011

ABOGADO

Simula nung bata ako, isa lang ang pangarap sakin ni Papa....ang maging isang  abogado. Alam na alam ko kung gaano niya kagusto yun para sakin. Kaya bata pa lang ako,  iniisip ko na kailangan ko ba talaga gawin un? Kasi ilang beses ko na rin pinag isipan kung gusto ko ba problemahin ang batas, kung gusto ko ba magbasa ng sandamukal na libro o mag aral ng walong taon.

Nagtratrabaho kasi si Papa sa Supreme Court, napagkakamalan nga minsan na abogado or judge si Papa. Sinubukan na rin niya mag aral ng Law kasabay ng pagtratrabaho niya, pero hindi nakaya ng schedule niya.

Anyway bago ako mag graduate ng highschool, nagkaron kami ng subject kung saan mamimili ka kung anong interes mo. At napili ko ang visual arts. Nag enjoy ako sa subject na to, ang sarap lumikha ng art sa ibat ibang paraan at mediums. Sabi ko sa sarili ko parang alam ko na kung anong gusto kong gawin sa buhay ko.

So kumuha na ko ng entrance exams sa ibat ibang unibersidad at kolehiyo. Sabi ko sa sarili ko na kapag sa Unibersidad ng Pilipinas ako pumasa, mag aabogado ako. Political Science ang choice ko na kurso dun. Pero pag sa UST at St. Scho ako pumasa...Fine Arts kukunin ko.

Hindi ako umabot sa quota ng UP so napunta ako sa UST. Pero honestly mas gumaan ang loob ko. Hindi kasi biro ang pag aabugado lalo na kung hindi 100% ang pagkagusto mo doon.

Sinuportahan naman ako ni Papa sa naging desisyon ko kahit siguro masama ito sa loob niya. Hindi niya pinaramdam sakin na ayaw niya sa kurso ko, instead naging masaya siya para sa akin dahil alam niyang gusto ko ung ginagawa ko.

Hanggang sa nakatapos na ko ng college, nagkatrabaho ako agad! Hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Papa. Sabi niya "Pinagbigyan kita sa kursong gusto mo bakit hindi mo man lang ako pagbigyan sa gusto ko?" "Bibigyan kita ng kotse at tataasan ko pa yung baon mo kumuha ka lang ng Law."

Ang sakin naman kasi ayokong madissapoint siya pag mababa yung grades ko. Hindi kasi buong buo yung loob ko and honestly takot ako. Isipin niyo naman from fine arts to law. Ang scary. Hindi naman sa sinusuway ko, pero pareho lang kami magsusuffer pag hindi ko napanindigan or inshort duwag lang talaga ako at hindi ko interes.

Kaya lumaki ako na minsan nagprepretend at nagkukunwaring may konti akong interes sa batas. Pero sa totoo lang wala akong pakialam minsan. Im sorry papa for that.

Pero ilang beses ko pa rin talaga pinag isipan para kay papa. Kinausap ko yung classmate ko na kumuha ng abogasya after niya mag fine arts. Sabi niya sakin hindi talaga biro kung papasukin ko un. Nagtanong din ako sa UST, sasabay sana ako sa hs friend ko kaso pag malapit na ung schedule ng exam parang nanghihina yung loob ko.

So ang ginawa ko...nagmasters ako. Minsan nga nagtatampo na ko kay Papa kasi kahit nag aaral na ko ulit, binabanggit pa rin niya yung pag aabugado. Parang naisip ko hindi ba siya nakukuntento kung hanggang saan lang ang kaya kong gawin? Wala lang. Ang lungkot lang:(

Minsan nga sabi ko sa sarili ko na kung alam ko lang na kukunin na siya agad ni Lord. Sana sinubukan ko man lang kumuha ng abugasya para nung nawala siya...atleast natupad ko kahit papano ung pangarap niya sakin. 

Bawat anak naman sigurado gusto na maging proud sa kanya ang kanyang magulang, pero feeling ko kahit anong gawin ko, hanggat hindi ko natutupad ung pangarap niya, hindi siya magiging proud. Lalo na nag iisang anak lang ako. Ako lang ang pwedeng tumupad nun.

Nung nawala siya, nagkaron ako ng pagkakataon na makausap ang mga kaibigan niya. Merong nagsabi na frustration un ni papa para sakin. Meron naman nagsabi na pwede ko pa rin daw tuparin ang pangarap ni papa. Gusto ko nga sabihin sa kanya na "Ocge ikaw magpa aral sakin!" Ang mahal nun ah, libro pa lang eh!

Pero may isang kaibigan si papa na nagsabing ituloy ko ang pagmamasters ko, na wag ko daw alalahanin ang tuition ko at siya na ang bahala. Nung panahon daw na binalita sa kanya ni Papa na magmamasters ako, sobrang proud daw siya sakin. Na tuwang tuwa daw si papa dahil masipag ako mag aral. Na hindi daw ako tumitigil mangarap.

Naiyak ako promise. Hindi ako makapaniwala na naging proud pala siya. Na naaappreciate niya pala lahat ng ginagawa ko para sa kanya.

Papa kung naging proud ka sakin...mas proud ako sayo, I miss you and I love you. Di man ako naging abogado, ginawa ko naman ang lahat para mapagmalaki mo pa rin ako.