Huwebes, Marso 24, 2011

QUESTIONS

Nung nawala si papa...iniisip ko asan na kaya siya? Dumiretso na ba siya sa langit? Ano na kaya nangyari sa kanya? Nakikita pa ba niya kung gaano kami nalulungkot?

Napakarami kong tanong sa aking isipan kaya marami din akong tinanungan. Pero  mayroon din silang iba't ibang sagot at perspektibo. Hindi ko alam kung kanino at ano ang paniniwalaan.

Nagbasa pa nga ako ng libro tungkol sa mga kaluluwa sa purgatorio. Sa pagbabasa ko dito, marami akong nalaman kung anong nangyayari sa lugar na ito. Sabi nila dito nililinis at tinitimbang ang ating mga kasalanan. Matagal daw ang oras dito at pinapanood nila sa iyo ang naging buhay mo. Nalaman ko rin na minsan ay pumupunta si Mama Mary sa lugar na ito para mag encourage at palakasin ang loob ng mga kaluluwa. Andun din din daw ang mga anghel ng Panginoon upang dumamay sa kanila.


Mayron naman nagsabi ng kaibahan ng religion at science sa usaping ito. Na ang tao pag namatay magiging enerhiya kaya minsan ay nararamdaman pa rin natin sila.

Waaaaahhh...

Sabi ko na lang sa sarili ko, paniniwalaan ko na lang ang gusto kong paniwalaan, na  sa dinami dami ng nagdasal at misa para kay papa ay nasa langit na siya at kapiling sila lolo, lola, Mama Nila at iba pa naming kamag anak na namayapa na rin. At dahil din sa kabaitan na pinakita niya nung nabubuhay pa siya. Na isa na siyang anghel na gumagabay pa rin sa amin ni Mama.

Sana ay masaya na siya at punong puno ng kapayapaan. Yun lang naman ang gusto ko malaman para makampante ako. Miss you papa...


Biyernes, Marso 18, 2011

roadtrips

Bata pa lang ako...tinuruan na ko ni papa humawak ng manibela. Nakakandong ako sa kanya noon pag tinuturuan niya ako kasi hindi ko pa abot yung aapakan. Every night ihahatid namin yung kotse sa malapit na gasolinahan sa bahay namin para dun ipark at maglalakad  pauwi. Naalala ko pa nga na may madadaanan kami na puno ng balete at hahawak na ko sa kamay ni papa dahil natatakot ako.

Bocs pa ang aming sasakyan noon at dahil walang radyo nun ang kotse namin...ako ang radyo nila papa at mama. Minsan nga feel na feel ko pa ang pagkanta, hindi ko namalayang nakatingin na pala sakin yung mga pasahero sa katabi naming jeep..waaaahhh!

Sabi ni papa pag nakagraduate ako ng college bibigyan niya daw ako ng sarili kong sasakyan. MInsan tinanong niya ko kung anong gusto kong sasakyan, sabi ko naman RAV4 ang gusto kong kotse. Sabi niya  "Sige basta magtapos ka ng pag aaral."

Nung nakatapos ako ng college, hindi na ako nag expect ng sariling kotse..dahil alam kong mas kailangan ni papa ng pera sa pagpapagamot niya at isa pa feeling ko hindi ako deserving para bigyan ng kotse.

Minsan nag uusap kami ni papa….bigla niyang sinabi sa akin na “Kung wala lang akong sakit sana nabili ko na yung RAV4 mo..” Nagulat ako kasi hindi ko akalain na naiisip pa niya ang mga bagay na yun. Sabi ko kay papa “Ok lang yun papa, huwag mo na intindihin yun”.

Pero hindi nagpapigil si papa dahil naghanap talaga siya ng Rav 4,araw-araw siyang bumibili ng dyaryo para tumingin kung may nagbebenta nito. Sinabihan na rin niya ako na kumuha na ng lisensiya dahil student permit pa lang ang hawak ko nun. Pero ewan ko ba sa sobrang kawalan ng oras dahil sa work at school..(at minsan tinatamad din) hindi ko magawang kumuha ng lisensya.

Minsan sinundo ako nila papa at mama sa school, naiinis na ko dahil hindi ko makita ang sasakyan namin…sabi ni papa na tumingin ako sa kanan ko. Pagtingin ko kumakaway si papa. Nagulat ako dahil iba ang sasakyan na gamit nila. Pagsakay ko, agad ko siyang tinanong “Kanino tong kotse? Kanino mo hiniram?” Tinawanan ako ng magulang ko ng bonggang bongga. Sabi ni papa “atin na to, binili ko lang kanina!”.
Sobrang saya ko nun dahil pangarap namin yun ni papa, kinilig ako promiseJ. Same feeling nung nagchampion yung UST sa basketball sa UAAP! Hahahaha!

Papa while driving going to liliw laguna....

Andun pa rin yung feeling na hindi ako deserving kaya tinext ko si papa na “hindi ako deserving para bigyan ng sasakyan pero thank you papa! You’re the best!” at as usual pag nagdradrama ako sa text hindi siya nagrereply. Pero alam kong natouched siya! Hehehe.

Pero minsan pagdating ko galing office, isusugod si papa sa hospital. Hindi ko siya mapagdrive dahil wala pa kong lisensya. Kinailangan pa naming maghanap ng driver sa kapitbahay. Isa yun sa mga pinagsisisihan ko until now.

Hanggang sa nagkadriver siya, lalo akong natagalan sa pagkuha ng lisensiya. Pero lagi niya kong nireremind na pumunta na sa LTO. Matigas ang ulo ko sa madaling salita. Wala pa rin kasi akong tiwala sa sarili ko sa pagdrive noon. Alam to ng mga naging pasahero ko dati..hehehe! hindi sila nakahinga buong biyahe.

Nung nawala si papa, at alam kong wala na akong maipapasweldo sa driver namin. Dun ako naglakas ng loob kumuha ng lisensiya. Ang sarap nga sa pakiramdam. Naiyak ako dahil nagsisisi ako dahil ngayon ko lang nagawa, nung wala na si papa.

Kahit nung unang drive ko papuntang opisina ng mag isa..umiiyak ako. Sabi ko sana nakikita ni papa na malakas na yung loob ko, na kaya ko na mag isa…na sana kahit minsan nahatid ko siya sa opisina niya o sa check up niya sa hospital.

Marami akong hindi nagawa.para kay papa at nagsisisi ako. Kaya nung nawala siya..sobrang sakit para sakin.

Miss ko na ang paghatid at pagsundo niya sakin sa opisina. Miss ko na rin ung mga byahe namin na siya ang nagdridrive, kwentuhan namin sa biyahe at minsan ang pagduet namin sa mga kanta sa radyo.

Ngayon mas confident na ko magdrive, medyo nagprapraktis pa nga lang sa pagpark. Pero in time I know mamamaster ko rin yan! Nung unang drive ko nga hanggang Eternal Garden sa Binan Laguna..sinabi ko sa sarili ko na pag masama ang loob ko, kaya ko na pumunta dun kahit mag isa.

Kaya when im driving and im alone…iniisip ko na andyan lang si papa to guide me. I love you papa..till our next roadtrip…in heaven…

                                me :)

Huwebes, Marso 17, 2011

first time...

Yeah...its my first time to do a blog, pero matagal ko ng gustong gawin...just to share with you guys what I'm up to, my principles (naks!), my opinions and to share my stories even the weird ones. hahahaha! Yeah I admit I'm weird at times..some people are shocked how weird I can be. Pero hindi naman nakakatakot...its just that I have a big / huge /enormous /colossal /tremendous /elepahantine? (what the...)/ massive / king size IMAGINATION. 
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Anyway...kaninang umaga medyo nalungkot ako kasi first time kong bumili ng bulaklak na nasa paso..yung kailangan mong diligan every other day. Every Sunday kasi pumupunta kami ng cemetery to visit my dad..and every punta namin we are buying flowers for him. Naisip ko na bakit hindi na lang ako mag alaga ng bulaklak tapos yun na lang ibibigay ko kay papa. 

Well then I realized na fake yung nabili ko..tinusok lang siya sa lupa at hindi enough yung ugat para mabuhay..hindi pa umabot ng sunday...damn..pati ba naman sa mga halaman may fake pa rin? fake people, fake bags, fake cellphones plus fake plants!
Pagkakita ko sa flowers feeling ko kinain sila ng zombie at hindi ako nakakuha ng enough sun to fight them..(plants vs zombies) hehehe!

First time ko malungkot para sa isang halaman na may mga patay na bulaklak...you know why? because its for my dad sana...and kahit pagdating sa mga bulaklak lang na offering namin sa kanya..i still want the best for him.


Until now I still cry at night missing my dad...Im longing for him. Iniisip ko na lang na atleast now hindi na niya nararamdaman yung pain. Excited ako everytime na pumupunta kami sa kanya every Sunday, nararamdaman ko kasi yung presence niya dun. I miss you papa...hindi ko pa rin maintindihan bakit mo kami iniwan agad pero im trying to cope with it. Mama and Gian loves you.